25th Annual General Assembly & Election 2023
PMMGPMC’s 25th Annual General Assembly
At Higit Sa Lahat…Ang Karaniwang Tao
by DR. FREDRICK QUICHO
My warmest greetings to the General Assembly of the Palawan Medical Mission Group Multi- Purpose Cooperative.
Thank you for having me as your keynote speaker for this year’s General Assembly.
We are still in the midst of a pandemic and I believe that we still feel the impact of this biohazard, that brought change into our lives, in our health system, in our priorities and in our economic status. Sadly there are those affected personally and mentally negatively. Most of the time, those affected are those who are marginalized, vulnerable, sickly, unemployed and the disadvantaged.
In our present situation, these mostly affected individual or individuals whom we call the masses, ang mga karaniwang tao.
Ang karaniwang tao sa ating depinisyon ay mamamayan na umiinog ang buhay sa payak na pamumuhay at pangangailangan. Bahay, pagkain at damit, ito ang kanilang hanap, ito ang kanilang kailangan. Ito para sa kanila ang hustisya.
Sa ating panahon, sila ang ating kapwa tao na mga uring manggagawa. Mga magsasaka, mangingisda, karpentero, construction worker, yaya, kasambahay, nagtatarabaho sa mga opisina, mga working students at kung anu-anupang gawain o hanapbuhay na may limitadong kapangyarihan, impluwensya at pangita. Kasama din po dito ang karamihang walang trabaho o hanapbuhay. Sila ang kalimitang salat sa buhay. Di sapat sa kanilang pangangailangan ang kung anong meron sila.
Sa aking pananaw ang karaniwang tao ay di lamang limitado sa konteksto na ating nakikita at nauunawaan. Maaaring meron syang natapos sa pag-aaral, may sapat na kita dahil may maayos na trabaho. Pangkaraniwang tao sya dahil wala syang labis na salapi, walang impluwensya at wala siya sa pwesto na maaaring sa gobyerno o sa ano mang pribadong institusyon.
Meron po tayong tinatawag na Maslow’s Hierarchy of needs by Abraham Maslow in 1943 based on his paper “ A Theory of Human Motivation.” Kontrobersyal ang pyramid na ito dahil ang sistema nito ay magsisimula ka sa baba hanggang pataas. Tingnan po ninyo sa slide ang pinakamababang bahagi ng piramideng ito. Mula sa baba di po tayo makakarating sa taas hanggat di mo fulfilled o na- accomplish ang bawat baitang sa pyramid na ito. Sa pilosopiyang ito maraming katanungan dahil may teorya at iba’t ibang opinion ang mga dalubhasa . Subalit hindi po ito ang nais kong iparating sa inyo. Ang nais kung iparating na ang pangkaraniwang tao ay may dapat matugunan, ito ay ang kaniyang basic na pangangailangan… pagkain, damit, bahay at ilan pang physiologic needs. Malamang sa hindi ang pangalawang baitang tungkol sa security ay walang kasiguruhan. Employment security, estabilisadong pagkukunan ng pangita, usaping pangkalusugan at pansariling kaligtasan. Mahihirapang umusad sa susunod na baitang ang abang mamamayan, ang pangkaraniwang tao.
Gumawa po ako ng simpleng survey sa loob ng ating kooperatiba upang malaman natin kung ano ang pinaka mahalaga sa bawat respondents sa pang araw-araw po nila.Hindi ko po isinama ang sagot ng ilan na sa tingin ko po batay sa ating depinisyon na tinalakay natin ay hindi sila dito napapabilang. 39 total respondents, nagbawas po tayo ng 3 na respondents mula dito.
Ano ang pinaka mahalaga sa iyo? Pagkain ang pangunahin sa aking respondents at pantay ang trabaho at bahay sa pangalawang pwesto sa pinakamahalaga sa kanilang pangangailangan.
Tiningnan ko din po kung ano ang kanilang ambisyon sa buhay. Ano ang iyong pangarap?
Sariling hanap buhay- 26
Trabaho abroad- 6
Trabaho sa Pilipinas- 4
Malinaw dito na ang pagbibigay ng pagkakataon sa bawat pangkaraniwang tao ay mag- aangat sa kanyang interes upang siya ay makaahon sa sarili nyang pagtataguyod ng kanyang sarili at pamilya.
God created us equal. In saying so, no one is above the law, at least by human standards in a democracy. Let me touch on the basic human rights that all of us should master by heart, must observe and uphold. Ang bawat mamamayan ay may karapatang mabuhay ng matiwasay, maghanapbuhay, magsalita o magpahayag ng kanyang saloobin. May kalayaan din po siyang magdesisyon para sa kanyang sarili o para sa kanyang pamilya. Pwede din po siyang magdesisyon upang maging masaya. May karapatan ang bawat isa maghanap buhay upang magkaroon siya ng pagkakataong makaluwag sa buhay o makaahon mula sa kasalatan. Higit sa lahat ay may karapatang syang mabiyayaan ng seguridad at tulong pangkalusugan sa anumang kalagayan, katayuan sa buhay at sitwasyon.
Sa pagkakataong ito, sa ating annual general assembly, tututukan natin sa ating talakayan at sa ating pagninilay ang pagbibigay pansin sa ating kapwa. Sa marami ng pagkakataon, at muli sa ngayon ay may hamon sa ating liderato sa kooperatiba at sa ating lahat. Ito ay ang pagsilay sa buhay ng ating pangkarinawang tao. Isang grasya ito sa ating lahat na tayo ay lulusong sa pagkamulat na sa araw araw ng ating buhay, na tayo, bilang isang komunidad, bilang isang kooperatiba ay magiging daan o pintuan upang ang ating kapwa ay maging una sa lahat. Hindi pangalawa o panghuli ang ipapaabot nating serbisyo sa pangkariniwang tao. Hindi po, “pwede na iyan,” kundi ay pwedeng pwedeng pwedeng klase ng paglilingkod ang ating ipadarama. At higit sa lahat… also means the best of the best approach, optimum handling and treatment of our common people, the masses. At higit sa lahat also conveys we shall commit to optimum understanding of their situation and extreme tolerance of their weaknesses and vulnerabilities. Ilang programa na maaaring maging bahagi sila ng ating cooperatiba bilang myembro na maari silang makinabang sa iba’t ibang programa nito mapa negosyo man o tugon sa kanilang pangangailangang pangkalusugan. Patakaran na maaring bumaba ang bayarin sa bawat serbisyo ng ating hospital at hindi ang lebel ng kalidad ng pangangalaga sa mangangailangan nito.
Sa mga nakakataas at maimpluwensya, ang inspirasyon na ibinibigay o pinararating po natin ay lawakan ang pagiging maunawain at maging mapagkumbaba sa pagyakap sa ating mga pangkaraniwang tao.
It is biblical that those who are strong should assist the needy and the oppressed. Let us be a cooperative who cares not only for the health of our fellowmen but also who nurtures and strengthens the foundation of human life and dignity. Let us speak out in support of the weak and the vulnerable. Let our cooperative play an active role to uplift them and to empower them become active key players in the society.
Let me end this with a story. Mayaman at maimpluwensyang magkakaibigan….Me tatlong magkakaibigan- mayayaman, maimpluwensya. Nagdesisyon sila na magbakasyon. Kumuha sila ng hotel room sa pinakamataas na hotel sa Pilipinas. 66 floors ito. Pagdating nila sa hotel, sinalubong sila ng empleyado ng hotel, isang pangkaraniwang empleyado. Syempre ay bumati ito sa mga big time guests. Humingi ng paumanhin dahil ang balita nya ay, nakahanda na ang kanilang limousine service at ililipat sila ng ibang hotel dahil nasira ang kanilang elevator na maghahatid sa kanila sa 66th floor na nandoroon ang kwarto. Ang sabi ng tatlo, hindi kami lilipat dahil iyon ang gusto naming tuluyan habang kami ay nagbabakasyon. Hindi bale alam na namin ang aming gagawin, kami na ang bahala. Dali dali nilang tinalikuran ang napiping empleyado. Nag usap ang tatlo na habang umaakyat sila ay magku kwentuhan na lamang sila para bumilis lumipas oras at di nila mapansin ang pagod sa pag akyat. Ang isa ay magkukwento ng malulungkot, yong isa naman ay kwentong masasaya at yong isa naman ay may pa quiz bee o palaro. Di nila naalintana ang pag akyat. Sa wakas narating nila ang tuktok ng gusali at nandoon na nga sila sa palapag na nandoroon ang kanilang kuwarto na gustong gusto nilang tuluyan sa kanilang pagbabakasyon. Akma na nilang bubuksan ang silid subalit di nila mabuksan ang pintuan ng silid… dahil hindi nila nakuha ang susi sa pangkaraniwang empleyadong umaalalay sa kanila sa ibaba. ( NB: a copied and a modified story from Fr. Joseph Ha, SVD)
Sa ating paglago, sa ating pag-angat, sa ating paglipad huwag na huwag kalilimutan ang ating kapwang pangkaraniwang tao lamang upang lagi din nating kasama ang Diyos sa ating paglalakbay.
What you do for the least among you, you do for Jesus.
At higit sa lahat…ang pangkaraniwang tao.